Libros importados hasta 50% OFF + Envío Gratis a todo USA   Ver más

menu

0
  • argentina
  • chile
  • colombia
  • españa
  • méxico
  • perú
  • estados unidos
  • internacional
portada Sino'ng Nagsiwalat?
Type
Physical Book
Pages
180
Format
Paperback
Dimensions
22.9 x 15.2 x 1.0 cm
Weight
0.25 kg.
ISBN13
9781952274282

Sino'ng Nagsiwalat?

-. Ni Albroz Azar (Author) · Writers Publishing House · Paperback

Sino'ng Nagsiwalat? - Azar, -. Ni Albroz

Physical Book

$ 12.62

$ 14.99

You save: $ 2.37

16% discount
  • Condition: New
It will be shipped from our warehouse between Monday, July 15 and Tuesday, July 16.
You will receive it anywhere in United States between 1 and 3 business days after shipment.

Synopsis "Sino'ng Nagsiwalat?"

Iniaalay ni Alborz Azar ang una niyang libro sa serye, ang 'Sino'ng Nagsiwalat?, ' kay Pantea (Lana). Sinimulan ni Azar na isulat ang libro matapos ang insidente noong Marso 2018 nang makahugot siya ng inspirasyon kay Pantea (Eshgham ni Azar) na isulat at ibahagi ang kaniyang memoir sa buong mundo. Malay si Azar na kailangan niyang ilayo si Pantea sa limelight dahil gusto nitong panatilihing pribado ang buhay. Ngunit hindi niya mapigilan ang sariling isulat sa papel ang matinding pagmamahal niya sa babae. Si Rozhan, ang asawa niya, ang tanging nakahihigit kay Pantea.Ang SINO'NG NAGSIWALAT? ay hango sa totoong istorya nina Pantea (41 taong gulang ngayon) at Alborz (66 taong gulang ngayon). Sa kanilang kuwento, napagtanto ni Alborz na hindi naniniwala sa pag-ibig si Pantea, pero ito ang nagturo sa kaniya kung ano ang pag-ibig, hindi ito tulad ng pagmamahal sa iba nang walang kapalitSa paglalim ng kanilang relasyon, maraming nagbago at nagsimula si Pantea na gamitin kay Alborz ang salitang pag-ibig. Isang beses sa isang linggo, sinasabi niyang mahal niya ang lalaki. Pero may mga lihim na nagbabantang sumira ng kanilang relasyon. Akala ni Alborz ay maayos na ang takbo ng kanilang relasyon, pero mabubunyag ang isang sapalarang relasyon.Sa pagtatangka niyang ayusin ang pinsala, inamin ni Alborz na handa siyang mamatay para sa minamahal. Ipinakita niya kung paano niya gagawin ang lahat para sa kaligayahan ni Pantea, kahit pa mawala sa kaniya ang lahat. Natuklasan niyang pambihira ang karunungan ni Pantea, na may halinang di-mapapantayan ng sino mang babae sa mundo. Tunay na natatangi siya sa lahat.Inilalahad sa ikalawang libro ang malaking pagkakamali ni Alborz-ang pagsasamantala niya sa kainosentehan ni Pantea para ibunyag ang relasyon nila ng isa sa mga dating nobyo, walong taon bago sila nagkakilala ni Alborz. Nangyari ang pagbubunyag sa pamamagitan ng mga mensahe sa phone at mga larawang ipinadala kay Alborz na labis ang pag-ibig kay Pantea. Isisiwalat ang mga kinahinatnan nito sa ikatlong libro ng serye. Nagkamali siya sa paggamit ng mga ito dahil sa hindi pagkakaunawaan na dulot ng pananamantala sa tiwala ni Pantea. Tinuruan si Alborz ng kanilang relasyon kung paano dapat ituring ng dalawang tao ang isa't isa, sa paraang nakabatay sa pag-aayos ng mga problema sa pamamagitan ng bukas at magalang na pag-uusap.Sa ikatlong libro, patatawarin ni Pantea si Alborz matapos magsumamo ang lalaki. Pero pinipigilan niyang sabihin sa kaniya ang dalawang napakaespesyal na salita, "Mahal Kita." Marami pang malalaman ang mga mambabasa tungkol sa natatanging personalidad ni Pantea at sa kanilang pambihirang relasyon.Noong ika-5 ng Disyembre 2018, may malaking pagbabago sa kanila, nang matuklasan ni Rozhan ang kanilang relasyon na nagdulot ng maraming pangyayari. Ito ang dahilan ng pagkaantala nang labing-isang buwan sa pagsusulat ng 'Sino'ng Nagsiwalat?' Malalaman ng mga mambabasa sa ikaapat na libro kung ano ang mga pagbabagong ito.

Customers reviews

More customer reviews
  • 0% (0)
  • 0% (0)
  • 0% (0)
  • 0% (0)
  • 0% (0)

Frequently Asked Questions about the Book

All books in our catalog are Original.
The binding of this edition is Paperback.

Questions and Answers about the Book

Do you have a question about the book? Login to be able to add your own question.

Opinions about Bookdelivery

More customer reviews